Maaari ding magtungo sa alinmang Pag-IBIG Fund branch para ipaalam ang hindi pagnanais na makatanggap ng 60-Day Grace Period. Opo, maaari pong tumanggi ang isang Pag-IBIG Housing Loan borrower na makatanggap ng 60-Day Grace Period sa kanyang loan at magpatuloy sa pagbabayad ng mga loan payments ayon sa orihinal na due dates nito. Upang maipaalam ng isang Pag-IBIG Housing Loan borrower na hindi niya nais makatanggap ng 60-Day Grace Period, kinakailangan niyang bumisita sa Virtual Pag-IBIG na matatagpuan sa aming Official Website at piliin ang “Pay During Grace Period” o sa pamamagitan ng pagclick sa link na Sa mga hindi nagnanais makatanggap ng 60-Day Grace Period, ang loan term ng nasabing member-borrower ay hindi na dadagdagan ng hanggang dalawang (2) buwan at ang kanyang mga naibayad o ibabayad sa kanyang loan ay ia-apply sa kanyang mga due dates sa panahong sakop ng Grace Period.